I pasted our rather long but amusing complaint letter (mostly in Filipino) below, for posterity purposes.
DTI Sulat Reklamo sa AOWA Electronics
Ako si xxxxzxxxxxxxxx, xx taong gulang residente
ngxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxx xxxxxxxxxxxxxx isa ako sa naging biktima ng AOWA Electronics na may tindahan sa 2/F Tutuban Centermall I, CM Recto Avenue Tondo, Manila noong Ika-8 ng Hunyo 2007 ng hapon. Nasa sumusunod na mga kaganapan nakalahad ang mga pangyayaring ng nasabing
araw sa Tutuban Centermall.
Habang kami’y naglalakad sa loob ng Mall ng aking pamangkin na si xxxxxxxxx xxxxxxxx may isang ahente ng AOWA ang lumapit sa amin at sinabing meron kaming libreng payong dahil diumano ay ipinakikilala nila ang kanilang Company at ito ay maaaring makuha sa loob ng kanilang Tindahan. At kami’y nga ay napapasok sa kanilang tindahan kasama ang kanilang ahente na si LINO CELINO. Ako ay pinaupo sa loob ng tindahan at kanilang idinemo ang Foot Massager kasabay nito ang pagdedemo ng kanilang iba’t ibang produkto habang minamasahe ang aking paa sila ay nakikipagkwentuhan sa akin hanggang sa naitanong nila na kung ako ay may creditcard.
Sabi ni Lino na kung puede daw itong “makita” nun inilabas ko na yung card ko kinuha ito ni Lino at iniaabot kay Girley Silacay nagpakilalang Manager) saka nila sinabi na ako daw ay entitled sa isang raffle. Umalis si Girlie daladala ang credit card ko at itong si Lino naman ay may dalang souvenir item na nakakahon dahil wala na daw available na payong at ito ang naging kapalit. Si Lino ang nagbukas ng maliit na kahon na may lamang doorbell at maliit na papel na nakasaad doon na may FREE water purifier ako kasama pa ang iba’tibang items na mamahalin. Ilan sa mga ahente ng showroom ay nagtilian sa kanilang kasiyahan at wari’y sila ang excited sa pangyayari at pinagkumpulan ako saka kinamayan at binati ng “Congratulations” ako daw ay isang napakaswerteng nanalo ng isa sa kanilang mamahaling mga produkto. Bihira daw ang mga nananalo ng ganun.
Sinabi ni Lino na tatawagan nya ang kanilang manager (mula sa Main Office daw nila) sa hawak niyang cellphone upang ipagbigay alam na isa ako sa nanalo. Pinakausap sa akin ang kanilang manager at sinabi nito na makukuha ko lamang ang premyo ko kung ako ay bibili ng isa sa kanilang produkto. Hindi man lamang ako tinanong kung ako ay sang-ayon sa aming paguusap. Doon nagtapos ang usapan sa celphone at isanauli ko na kay Lino ang cellphone.
Mayamaya pa’y naglapitan ang mga ahente sa akin kasabay ang malakas na tugtugan sa loob ng tindahan daladala ang iba’t ibang klase appliances gaya ng mga iba’tibang klase ng mga kaserola (Cookware set), Induction Cooker, Food Chopper, Multi Cooker. Ito raw ay kasama sa aking napanalunan.
Nagbalik uli si Girly at sinabi sa akin, “Mam KAYA NAMAN PO NG CREDIT CARD NYO”. Hanggang sa ang mga ahente ay pagkumpulan ako’t batiin kasabay ang napakalakas na tugtugan sa loob ng Tindahan. Nandyan pa na sabihin niya na ako raw ang gagawing ENDORSER ng kanilang produkto at
ito ay diumano ay ilalabas sa isang magazine. Pakiramdam ko, ako’y masyadong namamangha sa mga pangyayari parang nung mga oras na yon ay hindi ko maipaliwanag ang mga nangyayari sa akin dahil sa ingay ng paligid at pagkakakumpol sa akin ng mga ahente ng AOWA na sobrang saya
nila. Hanggang sa nagulat na lang ako at mayroon nang Sales Contract na pinapipirmahan sa akin ng isa pang babaeng ahente at iyon aking napirmahan ng hindi man lamang ipinaliwanag sa akin ang nakalagay sa kontrata.
Ako pala ay nakabili na ng foot massager sa halagang P33,750.00 at yun ay may mga FREE diumano na Cookware set, Induction Cooker, Food Chopper, at Multi Cooker. At saka nila ito kinuwenta sa aking
harapan kung magkano ang total amount ng mga FREE ITEMS ito ay daw ay diumano ay nagkakahalaga ng mahigit sa P 100,000.00 ngunit ang halagang dapat ko lang bayaran ay P33,750.00.
Sila ay tuwangtuwa para sa akin na halos magtatalon ang mga ahente sa saya! Panay pa ang KAMAY AT BATI sa akin ng congratulations ang lahat ng ahente doon sa loob ng Tindahan. Pagkatapos non kami ay kinuhaan ng litrato dahil diumano ay ilalabas kami sa isang magazine, at may kasama pang pangako sila na isang taon kaming makakatangap ng kanilang appliance product. Lumabas na kami ng kanilang showroom iniwan muna sandali ang mga produkto upang asikasuhin muna ang ibang bagay doon sa Tutuban. Saka ko binalikan ang mga aplliances upang iuwi.
Habang ako ay pauwi doon ko napagisipisip na napakalaki ng halagang naicharge sa aking credit card. At sa napagtanto ko na para bang scripted lahat ng mga pangyayari sa loob ng kanilang tindahan. Paano kaya nila nalaman na ang credit card ko ay may ganoong kalaking halagang credit limit? Hanggang napansin ko na wala yung item na water purifier na diumano ay aking napanalunan! Sinabi pa nila ang halaga ng foot massager noong una ay P 33,750.00 lamang at napansin ko sa resibo
na dinagdagan pa nila ito ng 12% VAT na umabot sa kabuuang P37,800.00.
Ang kanilang mga produkto sa loob ng kanilang tindahan ay walang ring mga PRICE TAGS.
Pagdating ko sa bahay ng gabi agad kong tinawagan ang ahenteng si Girly upang ipagbigay alam na isasauli ko na lamang ang mga items. Sabi nya nasa byahe na sila bukas na lang daw kami tumawag sa
Tindahan. Tinawagan ko din ang aking credit card company upang ipagbigay alam ang nangyari inadvice ng AIG na humingi kami ng reversal ng payment sa AOWA.
Kinabukasan ika9 ng Hunyo 2007, agad kaming nagtungo ng anak kong si xxxxxxxxxx sa AOWA Tutuban upang isauli ang mga produkto. Pagdating sa loob ng tindahan ibinababa uli namin ang mga appliances na aming daladala. Saka kami dinala sa isang sulok ng tindahan upang kausapin ni Lino at sinabi namin na gusto naming magkaron ng reversal ng statement at ipakansel ang nangyaring transaction at tinatanong kung ano ang aming dahilan kung bakit gusto namin magcancel ang
nangyaring transaction. Sinabi ko na wala akong kapasidad na mabayaran ko ang ganung kalaking halaga sa aking card. Dahil sa transaction na nangyari, NAUBOS ang aking credit limit sa aking card company. Ang advice ni Lino sa amin hindi daw nya maaaring irecieve pa yun product dahil “considered sold na daw yun kahapon pa”. Kapag tinanggap n’ya ayon sa kanya, siya daw ang matatanggal sa trabaho kung kaya s’ya ay nakiusap sa amin na ‘wag nang iwan ang product bagkus
kailangan daw naming sumunod sa kanilang company policy na magfillup daw ako ng costumer feedbackform at ilagay ang rason kung bakit gusto kong macancel ang transaction. Sinabi nya na ang processing time ng papel namin ay aabutin ng 3 hanggang 5 araw dahil nga Sabado nun wala daw opisina sa Ortigas at sa Lunes naman ay (ika11 ng Hunyo 2007) ideneklarang Holiday tumawag na lang daw kame sa Martes sa Ortigas kung ano ang desisyong ng kanilang top management. Hintayin daw namin ang tawag or kami ang tumawag kay Ann Sho Bermejo ang isang costumer service doon sa Ortigas. Dahil daw Sabado wala daw opisina sa Ortigas pero naifax na daw n’ya yung papel at binigyan kami ng kopya.
Lumabas ulit kami ng opisina dala ang mga appliances. Ngunit hindi ako kampante sa binigay nya sa aming rason kung kaya’t tinwagan ko ang sinasabi niyang opisina at hinanap ko ang nagngangalang Ann Sho Bermejo at dun ko ito nakausap ganun din ang sinabi sa aking magantay daw ako ng 35 days. Hindi pa din ako kampante sa sagot nila kung kaya’t naghanap ako ng taong puedeng makatulong sa akin lumapit kami ng anak ko sa costumer service ng Tutuban Centermall sinabi nga nila na maari naming ipablotter sa security office nila ang nangyari sa akin. At doon sa loob ng security office ng Tutuban ipinatawag ang pinakahead ng store ng AOWA pero si Lino pa rin ang lumabas at nakipagusap sa amin. Ipinalahad sa amin ang nangyari at kung anong mga item ang ang nakuha namin sabi namin ang nakalagay sa resibo ay Foot massager sa halagang P 37,800.00 at yung ibang item ay FREE at sumabat itong si Lino na hindi daw Free ang mga item na iyon kundi SPONSORED
ITEM daw ang mga yun. Pagkatapos ay nagkaroon kame ng kasulatan at pirmahan sa loob ng securty office ng Tutuban Centermall na kami ay humihingi ng assurance sa AOWA na magkakaroon ng reversal sa aming credit card.
Paglabas namin sinabi sa amin ni Lino na bakit naman daw namin ipinaalam pa sa Secuity ng mall. Wari’y talagang mayrooon silang itinatago.
Martes, ika12 ng Hunyo 2007 tinawagan ko ang AOWA Ortigas at kinausap si Ann Sho Bermejo, sumagot siya na wala pa din daw desisyon dahil daw halfday sila ng Sabado at walang opisina ng Linggo at Lunes. Miyerkules ganun pa din ang isinagot sa akin wala pa daw desisyon ang
top management nila. Huwebes ika14 ng Hunyo 2007 tinawagan na ako at sinabi nila na hindi na daw maaring kanselahin ang transaction. Hindi ako pumayag at sinabi ko sa kanila na magsusumbong ako sa DTI sinagot lang ako ni Ann na, “kahit magsumbong kayo dito pa din tayo maguusap sa aming opisina”, para bang malakas pa ang loob nila sa kabila ng ginawa nilang panlilinlang sa akin.
Tumawag ako sa credit card company upang humingi ng advice at tulong na maari nilang gawin dito. Inadvice nila sa akin na gumawa daw ako ng LETTER OF DISPUTE tungkol sa nangyaring transaction upang maibistigahan ng kanilang company.
Tumingin ako sa internet upang icheck ang AOWA appliances isa pala itong scam at napakarami na ng biktima nito
(http://www.gov.ph/FORUM/thread.asp?rootID=67560&catID=13&page=1).
Bakit magpasa hanggang ngayun ay patuloy pa din itong namamayapag?
Dahil sa mga nabanggit na mga pangyayari, nais ko pong magsampa ng reklamo sa AOWA Electronics ayon sa nakasaad sa Republic Act No. 7394 The Consumer Act of the Philippines batay sa mga sumusunod na artikulo sa ilalim ng nasabing batas:
ARTICLE 50. Prohibition Against Deceptive Sales Acts or Practices A deceptive act or practice by a seller or supplier in connection with a consumer transaction violates this Act whether it occurs before, during or after the transaction. An act or practice shall be deemed deceptive whenever the producer, manufacturer, supplier or seller, through concealment, false representation of fraudulent manipulation, induces a consumer to enter into a sales or lease transaction of any consumer product or service.
ARTICLE 52. Unfair or Unconscionable Sales Act or Practice An unfair or unconscionable sales act or practice by a seller or supplier in connection with a consumer transaction violates this Chapter whether it occurs before, during or after the consumer transaction. An act or practice shall be deemed unfair or uncionscionable whenever the producer, manufacturer, distributor, supplier or seller, by taking advantage of the consumer’s physical or mental infirmity, ignorance, illiteracy, lack of time or the general conditions of the environment or surroundings, induces the consumer to enter into a sales or lease transaction Grossly inimical to the interests of the consumer or gross onesided in favor of the producer, manufacturer, distributor, supplier or seller.
a) that the producer, manufacturer, distributor, supplier or seller took advantage of the inability of the consumer to reasonable protect his interest because of his inability to understand the language of an agreement, or similar factors
ARTICLE 81. Price Tag Requirement It shall be unlawful to offer any consumer product for retail sale to the public without an appropriate price tag, label or marking publicly displayed to indicate the price
of each article and said products shall not be sold at a price higher than that stated therein and without discrimination to all buyers:
Provided, That lumber sold, displayed or offered for sale to the public shall be tagged or labeled by indicating thereon the price and the corresponding official name of the wood:
Provided, further, That if consumer products for sale are too small or the nature of which makes it impractical to place a price tag thereon price list placed at the nearest point where the products are
displayed indicating the retail price of the same may suffice.
ARTICLE 82. Manner of Placing Price Tags Price tags, labels or markings must be written clearly, indicating the price of the consumer product per unit is pesos and centavos.
Dagdag po dito, nais ko rin ireklamo ang AOWA Electronics sa ilalim ng Department of Trade and Industry Department Administrative Order NO. 10 Series of 2006. SUBJECT: Reiterating the Rules on Price Tags/Labels and Providing Prohibition Against the Imposition of a Surcharge, Extra Charge or Additional Charge in the Use of Credit/Automated Teller Machine (ATM)/Debit Cards for Payment of Purchases of Consumer Products or Services.
Section 2. One Price Tag Requirement. Every retailer is required to display a price tag to indicate the price of each consumer good and/or services, as required in Articles 81 to 83 of the Consumer Act of the Philippines or R.A. No. 7394. The price tag must be written clearly, indicating the price of the consumer product including Value Added Tax (VAT) whenever the consumer product is VATABLE. Service charge, if any, shall not be included in the price tag.
Ako po humihingi ng tulong sa inyong opisina na sana po ay magawan ninyo po ito ng agarang aksyon. Kalakip din po ng sulat na ito ang sipi ng mga sumusunod bilang karadagang dokumento sa aking reklamo:
1. AOWA Electronics, Philippines, Inc. Sales Contract A12 No. xxxx
2. AOWA Electronics, Philippines, Inc. Official Receipt No. xxxx
3. AOWA Electronics, Philippines, Inc. Costumer Feedback Form
4. Credit Card Receipt Reference No. xxxxxxxxxx
5. Product Warranty Certificates
Marami pong salamat.
Lubos na gumagalang,
xxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxx
Pinadalhan ng sipi: AOWA Electronics, AIG Credit Card Company, Philippines