field notes [2]

Tala ng ilang karanasan mula sa “field”.

wowoweee_logo
Wowowee logo, mula sa Wikipedia

Dati kong trabaho sa isang pamantasan ang mangasiwa ng mga proyektong pampamayanan sa maraming lugar sa Metro Manila. Sa programang ito, nagpapadala kami ng mga estudyante sa mga dahop na lugar upag makipag-ugnayan sa mga organisadong pamayanan at magsagawa ng mga maliliit na proyektong makakatulong sa kanilang lugar. Bahagi ng aking trabaho na i-monitor and mga proyekto ng aming mga estudyante.

Minsan, sumabay ako sa jeep ng mga estudyante upang tingnan ang lagay ng kanilang proyekto sa Parola sa Maynila. May tutorial sessions sila duon. Layunin ng aking pagbisita na kausapin ang mga nanay at kumustahin kung OK ba naman ang ginagawa ng aming mga estudyante. Makailang beses na rin akong napunta duon at medyo sanay na sa lugar.

Pagdating namin, diretso na sa kani-kanilang mga host family ang mga estudyante namin para mag-umpisa ng pagtuturo. Ako naman ay umikot sa bawat bahay at sinilip ang tutorial sessions. Pagdating ko sa ilang mga bahay, napansin kong wala duon ang mga nanay. Ilang bahay na ang nasilip at ganuon din ang nakita. Wala rin sa mga pangkaraniwang tambayan ang mga tao. Medyo kakaiba talaga kasi tahimik sa area. Medyo nainis nga ako dahil usapan namin, dapat may adult na kasama sa bahay ang mga estudyante namin tuwing may tutorial sessions.

Nagtanong-tanong ako sa lugar. Nabanggit ng ilang tao nagpunta daw ang mga nanay sa anibersaryo ng Wowowee. May humakot daw na ilang jeep dahil may perang iaabot pagnag-punta sa Ultra. “Bad trip ka Willie”, yun ang nasa isip ko pag-uwi namin sakay muli ng jeep kasama ang mga estudyante.

Pagbalik ko sa opisina, dun ko lang nabalitaan ang nangyari sa Ultra. Nagkaroon daw ng stampede at ilang tao ang namatay at nasugatan.

Di na ako nakabalik ulit sa Parola mula nuon (sa dami ng aming partner areas, halos di ko ito lahat nabibisita kada semestre). Pero tuwing sasapit ang araw na ito, lagi kong naalala ang area visit ko sa Parola.

Hindi ko alam kung may namatay sa mga nanay na dapat sana kausap ko nuon. Hindi ko rin alam kung may naulila sa mga batang nasa tutorial project. Sana wala. At sana rin, mabigyan na ng katarungan ang namatay at nasugatan sa stampede.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s