field notes [1]

Tala ng ilang karanasan mula sa “field”. #pensieve

Dati akong “Project Leader” sa isang “conservation project” malapit sa paanan ng Sierra Madre. Ang layunin ng proyekto ay makipagtulungan sa mga naninirahan sa paligid ng “national park” upang ito ay mapangalagaan.

Kainitan nuon ng issue ng “quarrying” sa loob ng dating hangganan ng parke. Bahagi ng aming proyekto ang adbokasiya laban sa “illegal quarry”. Sa pamamagitan ng kampanya ng pamayanan laban dito, nagtalaga ang pamahalaang panlalawigan ng “checkpoint” sa mga kalsadang kalimitang gamit ng mga “quarry operators” sa pagbyahe ng mga bato.

Ang aming “field office” (kung saan kami nakatira) ay malapit sa isang pamayanang bahagi ng aming “project area”. Bagama’t, may mga checkpoint na, dinig na dinig mula sa aming opisina ang mga pagsabog mula sa “quarry site” sa kabilang bahagi ng bundok.

Isang gabi, nasa isang pag-pupulong kaming lahat ng “staff” (bihira kaming magkita kaya kung minsan, inaabot ng gabi ang aming staff meeting). Mahaba-haba na rin ang aming talakayan sa “project updates”, “deliverables” at iba pang ulat. Bukod sa aming mga debate, tahimik ang gabi pero maririnig mo ang ugong ng mga “dump truck” na nagba-byahe ng bato mula sa bundok. Ilang gabi na rin namin itong naririnig. Mula nang maglagay ng “checkpoint” sa kalimitang kalsadang kanilang ginagamit, sinubukan ng mga “quarry operators” na maghanap ng ibang ruta. Isa ang kalsadang malapit sa aming sa kanilang bagong ruta.

Hindi maitago na ilan kong kasama ang pagka-irita pag naririnig ang mga ugong ng trak. Ang isa ay napbulalas na: “Hindi ba tayo gagawa ng paraan sa mga trak na iyan?”

At dahil pagod na rin ako sa mahaba naming “meeting”, naisip kong “bumaba” sa mga kabahayang malapit sa kalsada kung saan nakatira ang ilang lider ng pamayanan. Wala akong dalang flashlight, ‘di ko na rin maalala kung may buwan nuon. Naglakad ako (mga kalahating kilometro siguro) papunta sa bahay ng isang Konsehal ng Barangay at lider rin ng “PO”.

Naki-kape, nakipag-huntahan, ilang yosi, ilang trak din ang dumaan. Umabot ang kwentuhan sa “issue” ng mga dumaraang trak.

Nabanggit ni Konsehal na dahil nga nagkaka-higpitan sa “checkpoint”, dito na dumaraan yung mga trak. Naka-usap din daw n’ya dati yung hepe sa “checkpoint”. Nagbigay daw ng “number” yung hepe. Kung may dumaan daw ng trak ng bato, i-text lang sa kanya. Hinugot ni Konsehal ang kanyang “wallet” at binigay sa akin ang papel na may “cellphone number”.

Agad kong inilabas ang aking “shock/water/dust proof R310s” at nag-text ng ganito:

Gud PM po. Si Maning po ito ng [...]. Ilang gabi na pong dito sa [...] dumadaan yung mga trak ng bato. Kanina lang may ilan nang dumaan.

“Send.”

Wala pang sampung minuto nakatanggap na ako ng “reply”:

OK, Salamat sa info.

Natuwa kami ni Konsehal sa natanggap na mensahe.

Maya-maya, nakatanggap ulit kami ng text kay hepe.

Pahinga muna kayo. Stop muna ang byahe. May nakamonitor dyan sa may[...].

“Wrong sending?!”

Pinabasa ko kay Konsehal. Parehas kaming walang nasabi.

“Hindi pa natin kilala kung sino ang kakampi natin.” Yun ang huling nasabi ni Konsehal bago ako umalis.

Pagbalik ko sa opisina (kalahating kilometrong lakad uli), pinabasa ko sa mga kasama kong staff ang “text message”. Pagkatapos ay in-”adjourn” na namin ang “meeting” at natulog na kami. Hindi ko na maalala kung nakatulog ako nuon (malamang hindi).

Kinabukasan ng hapon. Bumababa ako ulit sa bahayan malapit sa kalsada. Gawain ko talaga tuwing hapon na makipag-kwentuhan duon pagkatapos ng trabaho.

Lumapit sa akin ang pangulo ng “PO”. Pumunta daw nung umaga yung “quarry operator” sa bahay nila at hinahanap kung sino ang nag-timbre nung byahe kagabi. Wala siyang sinabi kung sino dahil hindi naman n’ya alam yung ginawa ko kagabi (malamang kahit alam niya hindi niya ito babanggitin).

Duon lang tumuon sa isip ko yung pagka-delikado ng ginagawa namin. Kilala yung “quarry operator” sa dalawang bagay pagdating sa kanyang negosyo. Baril at pera.

Hindi na namin pinarating sa “main office” sa Maynila yung nangyari. Sigurado akong “pack-up” ang “project” pag-nalaman ng mga Bossing.

About these ads

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s