
I’ve always wondered how we view Philippine development in a geographic context like this.
The “NORTH is always UP or on TOP” is just a matter of perspective.

I’ve always wondered how we view Philippine development in a geographic context like this.
The “NORTH is always UP or on TOP” is just a matter of perspective.
I know these things happen, but I never knew my own content would be a victim. Apparently this guy,
http://putesh-allabouttravel.blogspot.com/2009/04/osm-ph-first-mapping-party.html
earns AdSense bucks by stealing my post and maybe from others as well.
Mr. Putesh, what part of my blog license you don’t understand?
I use Flickr all the time (most pictures in this blog are linked to my flickr dump). They have this cool feature to geocode and visualize pictures using Yahoo! Map. But the streetmap data (from Yahoo!) is not very good here (of course you can also use the satellite layer).
So I sent a message to Flickr’s Senior Engineer Aaron Straup Cope, summary below (the original message was more polite):
Aaron,
“Yahoo! streetmap in Flickr not good in the Philipines. OSM waaaay better! Please use OSM data.”
cheers,
maning
After a week, here’s what they have.


Metro Manila last week (above) and today (below)


Davao City last week (above) and today (below)
Cheers to the Flickr Team and OSM Pinoy mappers!

Note to self:
maning@cumingi:~$ tar -tzvf old_not_too_frequently_used_files.tar.gz
or
buy a new 1TB hard drive. :)

Tawag sa amin ay “martial law babies” (mga Pilipinong isinilang sa panahon ng diktaturya). Pero halos wala akong personal na maalala sa mga sosyo-pulitikal na kaganapan nung ‘70, ‘83 at ‘86. Pulos laro lang. Maliban lamang sa mga ilang katuwaang debate sa eskwela sa pagitan ng mga “maka-Marcos pa rin ” at “maka-Cory”.
Sa mga nagdaang panahon, nalaman ko na lamang ang kahalagahan ng EDSA People Power at ang naging panunungkulan ni Tita Cory sa mga nasusulat (textbooks at dyaryo).
Pagkatapos ng kolehiyo, nalinya ako sa trabahong nakikipag-ugnayan sa mga pam-pamayanang samahan para sa gawaing pang-kalikasan. Dito ko nakilala ang iba’t-ibang mukhang nakaranas ng mga pang-aabuso sa panahon ng diktaturya.
Mga magsasaka, manginigsda, manggagawa, katutubo, dating political prisoners, dating lider-estudyante, mga aktibista.
Mula sa kanilang kwento, tumimo sa akin ang kanilang hirap na naranasan. Ang hirap ng buhay sa kanayunan, walang kaseguruhan sa lupang sinasaka, ang makulong, ang ma-torture. Nababasa ko na ito nuon pa, subalit iba pala talaga pag-kakilala mo mismo ang nag-kwento at nakaranas nito.
Isa sa parating “highlight” ng kanilang kwento ang EDSA People Power. Simbolo ng pagtatapos ng dikataturya at panunumbalik ng demokrasya.
Sa nagdaang panunungkulan ni Tita Cory bilang Pangulo, naitaguyod nya ang ilang batas na nagpatibay ng karapatan ng mamamayan gaya ng para sa magsasaka at ang batayang karapatan ng bawat Pilipino.
Gayunpaman, malaking puna sa kanyang panunungkulan ang pagkilala sa mga pagkakautang na iniwan ni Marcos. (Ito rin ang aking personal na pananaw). Marami ang naniniwalang isang nasayang na pagkakataon ito para sa bayan. Magpasa-hanggang ngayon, patuloy nating binabayaran ang mga utang na ito na dapat sanay nagamit sa mga programang pangkaunlaran.
Sa kabilang banda, kinikilala pa rin ng bawat Filipino ang mahalagang ambag ni Tita Cory sa pagpapanumbalik ng demokrasya sa bansa.
Salamat Tita Cory.
Ipagpapatuloy ng bawat Filipino ang iyong pamanang magtaguyod ng bayang Marangal, Malaya at Makatarungan!
Ang larawang may “yellow ribbon” ay kuha ni Dustin Carbonera may permisong hiniram mula sa kanyang blog .